Tugon sa ilang katanungan tungkol sa CNMI Transitional Worker Classification

By
|
Posted on Sep 09 2011
Share

Ang U.S. Citizenship and Immigration Services ay naghain ng pinakahuling patakaran na nagtatatag ng Transitional Worker nonimmigrant visa classification, o CW, para sa mga banyagang manggagawa sa Commonwealth ng Northern Mariana Islands. Ang CW visa classification ay epektibo habang ang sistema ng banyagang permit ng manggagawa ay inililipat sa U.S. batas pang imigrasyon. Sa panahon ng transisyong ito, ang mga employer ng mga nonimmigrant na manggagawa na hindi matatanggap sa ibang employment-based na uri ng nonimmigrant visa ay maaring mag-aplay para sa pansamantalang pagpayag upang bigyan ng trabaho ang mga manggagawa sa CNMI sa ilalim ng klasipikasyong CW. Ang panahon ng transisyon ay pormal na nagsimula noong Nob. 28,2009, at matatapos sa Dis.31,2014.

[B]MGA PANGKALAHATANG TANONG [/B]

Q1. Ano lamang ang magagawa ng CNMI Transition Worker (CW)?

A1. Ang CW ay nagbibigay ng makatarungang U.S. na estado sa pansamantalang imigrasyon sa mga karapatdapat na mga banyagang manggagawa na:

– Nagbibigay ng mga serbisyo o trabaho para sa empleyado sa CNMI; at

– Hindi karapat-dapat para sa anumang uri ng employment-based na nonimmigrant visa sa ilalim ng INA.
Ang mga Manggagawang Transisyonal ay inaasahang makahahanap ng angkop na alternatibong estado sa imigrasyon bago ang pagtatapos ng panahon transisyon kung nais nila na manatili sa CNMI. Ang patakaran ay pumapayag sa mga empleyado upang isaayos ang kanilang gawain sa pagkuha ng empleyado at para sa mga karapat-dapat na mga banyagang manggagawa na makakuha ng nonimmigrant o immigrant na klasipikasyong visa na mayroon sa INA.

Q2. Paano makaaapekto ang patakaran sa pamumuhay at pagtatrabaho ng mga banyagang manggagawa sa CNMI.

A2. Ang patakaran ay pumapayag sa mga employer sa CNMI upang tulungan ang mga manggagawang nonimmigrant na hindi karapat-dapat magtrabaho sa ilalim ng INA at magbigay sa mga banyagang manggagawa hanggang Dis. 31, 2014, upang matukoy ang wastong panghabambuhay na katayuan sa Imigrasyon para sa kanilang sarili at kanilang pamilya. Mahigit 22,000 mga banyagang manggagawa sa CNMI ay potensiyal na karapat-dapat para sa pansamantalang katayuang CW visa.

Q3. Ang lahat ba mga banyagang mangagawa ay karapat-dapat para sa klasipikasyong visa na CW?

A3. Hindi. Ang mga banyagang manggagawa na karapat-dapat para sa employment-based na klasipikasyong nonimmigrant visa ay hindi karapat-dapat para sa programang ito. Dagdag pa dito, ang banyagang nasyonal na nasa CNMI ay dapat na legal na magpakita sa CNMI, na inilalarawan sa Tanong 6.

Q4. Ano ang mga kinakailangan ng isang indibidwal upang maging kwalipikado para sa CNMI-lamang na Transitional Worker visa?

A4. Upang maging kwalipikado ang isang indibidwal para sa katayuang CW visa, ang empleyado at ang banyagang nasyonal ay dapat parehong matugunan ang mga pangunahing kinakilangan.

Mga kinakailangan para sa mga Employer

Upang maging karapat-dapat upang magpetisyon sa manggagawa para sa katayuang CW visa, ang mga empleyado ay kinakailangang:

– Maging tapat sa lehitimong negosyo, na ipinaliwanag sa panghuling patakaran;

– Isaalang-alang ang lahat ng mga U.S. citizen na manggagawa para sa posisyon;

– Mag-alok ng mga termino at mga kondisyon ng pagtatrabaho alinsunod sa uri ng negosyo ng employer sa CNMI;

– Ipatas ang mga kinakailangang porm upang kumuha ng mga manggagawang transisyonal;

– Tumupad sa lahat ng mga pederal at kinakailangan sa CNMI na may kaugnayan sa pagtatrabaho, kasama ang ngunit limitado sa walang diskriminasyon, pangkalitagsan okyupisyunal at mga kinakailangan sa minimum na pasahod; at

– Bayaran ang mga nagastos ng mga manggagawa sa transportasyon sa kanilang huling lugar na banyagang tirahan kung sila ay hindi boluntaryong tinanggal sa trabaho sa anumang dahilan bago matapos ang oras ng awtorisadong pagtanggap.

Mga kinakailangan para sa mga Manggagawa

Ang indibidwal ay maaaring karapat-dapat sa klasipikasyong CW-1 nonimmigrant kung siya ay:

– Ay karapat-dapat sa anumang iba pang nonimmigrant na employment-based na katayuan sa ilalim ng U.S.na pang-imigrasyong batas;

– Ay papasok o mananatili sa CNMI upang magtrabaho sa katergoryang pang okupisyunal na pagtalaga bilang kinakailangang banyagang manggagawa upang tustusan ang residenteng lakas-paggawa;

– Ay ang makikinabang ng petisyong inapila ng lehitimong employer na nagnenegosyo sa CNMI;

– Ay wala sa Estados Unidos, maliban sa CNMI ;

– Ay makatarungang naroon sa CNMI kapag dumalo sa CNMI; at

– Ay kaya’y katanggap-tanggap sa Estados Unidos o ginawaran ng anumang kinakailangang waiver sa saligan ng di-pagtanggap.

Q5. Ano ang magkakwalipika bilang “lehitimong negosyo” sa ilalim ng patakarang ito?

A5. Ang panghuling patakaran ay naglalarawan na ang lehitimong negosyo ay “tunay, aktibo, at komersiyal na gumagana o entrepreniyural na umiiral na lumilikha ng mga serbisyo at mga kalakal para sa tubo, o pang-gobyerno, pang-charity, o iba pang balidong pagkilala sa walang tubong ari-arian. Ang negosyo ay kinakailangang matugunan ang mga legal na kinakailangan sa pagnenegosyo sa CNMI. Ang negosyo ay hindi ituturing na lehitimo kung ito ay derikta o di deriktang nakikipag-ugnayan sa prostitusyon, trapiking ng mga wala pa sa hustong gulang, o iba pang aktibidad na illegal sa ilalim ng pederal o batas CNMI.”

Q6. Ano ang ibig sabihin ng ”legal na pagpapakilala sa CNMI” sa layunin ng karapat-dapat para sa klasipikasyong nonimmigrant?

A6. Upang maging karapat-dapat upang mabigyan ng katayuan sa CNMI, ang indibidwal ay kinakailangang mataong dumulog sa CNMI. Nangangahulugan ito na ang tao ay dapat na (1) sa panahon na ang aplikasyon para sa katayuan ay inapila, manatali sa loob ng oras ng awtorisadong pananatili sa pamamagitan ng “umbrella permit” o iba pang awtorisasyon ng CNMI (na mawawalan ng bisa hindi hihigit sa Nob. 27,2011); o (2) manatili sa oras ng makataong admisyon o parol sa CNMI na iginawad ng Kagawaran ng Homeland Security (DHS), maliban sa admisyon o parol bilang turista o negosyanteng bisita.

Q7. Ano ang Admisyon Kowd para sa klasipikasyon ng bisang ito ?

A7. Ang Kowd sa klasipikasyong pagtanggap na nonimmigrant visa ay CW-1 para sa prinsipal CNMI-lamang na Manggagawang Transisyunal at CW-2 para sa kanilang mga kasamahan.

Q8. Maaari bang pahabain ang klasipikasyong visa na lalagpas sa Dis.31, 2014?

A8. Oo. Ang klasipikasyong CW visa ay kasalukuyang mawawalan ng bisa sa katapusan ng panahon ng transisyon sa Dis.31, 2014. Gayunman, and Kagawaran ng Paggawa ng U.S. ay may kapangyarihan upang pahabain ang balidong panahon sa mga kategoryang CNMI Transitional Worker visa sa Dis. 31,2014. Ang Kalihim ng Paggawa ay maaring magpahaba sa programa ng transisyunal na manggagwa kung ito ay matukoy na kasalukuyan at kaaya-ayang paggawa na kinakailangang patunayan ang naturang ekstensiyon upang masiguro ang sapat na paggawa sa CNMI.

Q9. Ilan ang mga pampublikong komento na natanggap ng DHS sa Interim Final Rule?

A9. Ang DHS ay nakatanggap ng 146 na mga komento mula sa malawak na saklaw ng indibidwal at organisasyon, kabilang ang Gobyernong Tanggapan ng CNMI, ang Saipan Chamber of Commerce, isang dating senador ng CNMI at iba pang mga interesadong organisasyon at indibidwal. Itinuturing ng DHS ang lahat ng mga komento sa paghahanda sa huling patakan na ito. Ang mga detalye ay maaring makita sa huling patakaran na Registrong Pederal.

[B]MGA KATANUNGAN PARA SA MGA EMPLOYER [/B]

Q10. Kailan maaaring maghain ng petisyon ang mga employer para sa mga empleyado?

A10. Ang mga employer ay maaring magsimulang maghain ng petisyon sa Okt. 7, 2011. Ang employer, gayunman, ay hindi maaring mag-aplay para sa manggagawa nang higit sa anim na buwan bago ang petsa na ang employer ay nangangailangan ng serbisyo ng manggagawa. Halimbawa, kung ang employer ay nangangailangan ng serbisyo ng manggagawa sa Hulyo 1, ang employer ay maaring magsumite ng petisyon para sa manggagawa na hindi mas maaga sa Ene.1 ng parehong taon.

Q11. Kung ang employer ay kasalukuyang nagtatrabaho sa CNMI sa ilalim ng “umbrella permit” o iba pang awtorisasyon sa paggawa sa CNMI na mapapawalang bisa sa Nob.27, 2011, kailan kinakailangan ng employer na magpetisyon para sa manggagawang ito upang makuha ang katayuang CW?

A11. Ang empleyado ay dapat magpetisyon sa manggagawa sa oras o bago ang Nob. 27,2011. Ang mga empleyado ay kinakailangang legal na magpakita sa CNMI sa petsa ng paghahain ng petisyon upang maging karapat-dapat para sa pagtanggap ng katayuang CW. Ang mga empleyado na ang awtorisasyon sa paggawa sa ilalim ng CNRA ay mawawalan ng bisa sa Nob.27,2011, at sinuman na walang inihaing CW na petisyon sa kanila sa petsang iyon, ay hindi na kailanman makataong ipakikilala sa CNMI. Ang petisyon upang isponsoran ang mga manggagawang ito bilang CW-1 nonimmigrant ay kinakailangang matatakan hindi lalagpas sa Nob. 28,2011 (halimbawa, sa katapusan ng unang araw ng negosyo pagkatapos ng Linggo, Nob, 27, 2011, lokal na oras ng CNMI).

Ang mga manggagawang hindi kailanman legal na magpakita sa CNMI ay kinakailangang umalis sa CNMI bago ang kanilang mga employer ay maghain ng petisyon. Hindi sila makapapasok muli sa CNMI at makapagpapatuloy sa pagtatrabaho hanggang ang petisyon ay maigawad at makakuha ng CW visa sa U.S. Konsulado sa labas ng bansa.

Q12. Maaari bang magpatuloy ang employer na bigyan ng trabaho ang manggagawa sa ilalim ng “umbrella permit” o iba pang CNMI na awtorisasyong paggawa pagkatapos ng Nob. 27, 2011, kung ang petisyon para sa katayuang CW ay nakabinbin?

A12. Oo. Ang legal na paglitaw ng manggagawa ay base sa petsa ng paghahain ng petisyon, kaya kung ang employer ay naghain ng petisyon na hindi lalagpas sa Nob. 27,2011, ang manggagawa ay mananatiling karapat-dapat sa pagtanggap ng katayuang CW. Ituturing ng USCIS pagtatak ng petisyon sa Nob. 28,2011, na inihain noong Nob. 27,2011 (na ipinaliwanag bilang sagot sa Tanong 11). Kapag ang employer ay nag-aplay para sa katuyuang CW ng manggagawa siya ay kasalukuyang nagtatrabaho sa CNMI sa ilalim ng umbrella permit o iba pang awtorisasyon ng CNMI na mawawalan ng bisa sa Nob. 27,2011, ang empleyado ay maaaring legal na magpatuloy sa pagbibigay ng trabaho sa manggagawa hanggang ang desisyon sa aplikasyon ay maisagawa. Kapag ang petisyon ay naigawad, ang manggagawa ay tatanggap ng katayuang CW at maaaring magpatuloy bilang may trabaho. Kapag ang petisyon ay tinanggihan, ang awtorisasyon sa paggawa ay mahihinto sa oras na iyon.

Q13. Ano ang dapat gawin ng employer upang maghain ng petisyon para sa banyagang manggagawa?

A13. Bago maghain ang employer ng petisyon para sa banyagang manggagawa, ang employer ay kinakailangang isaalang-alang ang mga manggagawang taga-U.S. para sa posisyon na inihain ng manggagawang CW.

Upang petisyunin ang banyagang manggagawa, ang employer ay kinakailangang:

– Maghain ng Porm I-129CW, petisyon para sa CNMI-Only Nonimmigrant Transitional Worker;

– Mag-alok ng mga termino at mga kondisyon sa pagtatrabaho na alinsunod sa uri ng trabaho, aktibidad at industriya sa DNMi;

– Mga papel na sumusuporta sa ebidensiyang nagpapatunay na ang impormasyon na ibinigay tungkol sa employer, posisyon sa trabaho at prospektibong manggagawa ay wasto at natutupad ang karapat-dapat na mga kailangan; at

– Magsumite ng wastong bayad sa paglalahad.

Q14. Kinakailangan bang maghain ang employer ng magkabukod na Porm I-129CW para sa bawat transisyonal na manggagawa?

A14. Hindi. Ang employer ay maaaring maghain ng isang petisyon sa maraming manggagawa, ganun din sa lahat ng manggagawa na:

– Magtatrabaho sa magkaparehong kategorya ng trabaho;

– Magtatrabaho sa magkaparehong tagal ng pahanon;

– Magtatrabaho sa magkaparehong lugar; at

– Humihiling ng parehong aksyon sa Bahagi 2 ng petisyon (Pagpapalit ng katayuan, Pagpapahaba ng Katayuan, atbp.).

Q15. Magkano ang bayad sa paghahain na kaugnay ng Porm I-129CW?

A15. Kung ikaw ay employer sa CNMI na naghahanap upang mag-isponsor sa karapat-dapat na indibidwal bilang CNMI-Only Transitional Worker, maaaring tingnan ang kaugnay na bayad sa paghahain sa ibaba:

Kung ikaw
Ang pagpepetisyon para sa isa o higit pang manggagawa na legal na nagtatrabaho sa CNMI na may katayuang pederal na nonimmigrant (hal., F-1 or H-1B)…

Kinakailangan mo na
Magsumite ng Porm I-129CW at $325 na bayad sa aplikasyon…

at
Magsumite ng ipinatutupad na bayad sa CNMI na pananalaping pang-edukasyon na $150 bayad sa bawat makikinabang. Huwag magsumite ng bayad sa biometriks.

Kung ikaw
Nagpepetisyon ng isa o higit pang manggagawa na legal na nagtatrabaho sa CNMI na may permisong CNMI o ginawaran ng Parol ng USCIS o CBP(maliban bilang bisita para sa pagnenegosyo o pagsasaya mula sa Rusya at China)…

Kinakailangan mo na
Magsumite ng Porm I-129CW at $325 na bayad sa aplikasyon…

at
Magsumite ng ipinatutupad na bayad sa CNMI na pananalaping pang-edukasyon na $150 bayad sa bawat makikinabang. Kahit ikaw o ang manggagawa ay kinakailangan din magsumite ng bayad sa$85 biometriks kung ikaw ay humihiling ng Gawad sa Katayuan sa CNMI.*

Kung ikaw
Ang pagpepetisyon sa isa o higit pang manggagawa na humihiling ng consular na pagpoproseso sa labas ng bansa…

Kinakailangan mo na
Magsumite ng Porm I-129CW at $325 na bayad sa aplikasyon…

at
Magsumite ng ipinatutupad na bayad sa pananalaping pang-edukasyon na $150 bayad ng bawat makikinabang. Huwag magsumite ng bayad sa biometriks. Ang bayad sa biometriks ay maaaring kinakailangan sa Kagawaran ng Estado kung ang manggagawa ay nag-aaplay para sa kanyang visa palabas ng bansa.

Kung ikaw
Ay humihiling ng ekstensiyon ng katayuan para sa CW nonimmigrant na manggagawa…

Kinakailangan mo na
Magsumite ng Porm I-129CW at $325 na bayad sa aplikasyon…

at
Magsumite ng ipinatutupad na bayad sa pananalaping pang-edukasyon na $150 bayad ng bawat makikinabang.

*Tandaan lamang na ang mga manggagawang nagbabalak na maglakbay sa labas ng bansa sa kasalukuyan ay maaaring humiling ng prosesong consular sa kanilang visa sa labas ng bansa. Ang paghiling para sa konsular na proseso, kung aprobahan, ay hindi igagawad ang katayuan sa makikinabang. Gayunpaman, ito ay mapoproseso ng mas mabilis, na hindi na kinakailangan ng koleksyon ng impormasyong biometriks ng makikinabang at pag-fingerprint. Dagdag dito, ang kahilingan para sa konsular na pagproseso ay hindi kinakailangan nang kabayaran ang $85 sa USCIS. Ang mga manggagawang naglalayag palabas ng bansa ay mangagailangan ng balidong visa upang makapasok muli sa CNMI, ginawaran man sila o hindi ng katayuan sa CNMI.

Q16. Maaari bang mabawasan ang bayad sa maghahain?

A16. Ang Porm I-129CW at bayad sa magsusumite ng biometriks ay maaaring mabawasan sa di-karaniwang mga sitwasyon kung saan ang ipinakikita ng employer na walang kakayahan sa pagbabayad ng kabayaran sa paghahain ngunit kaya pa rin na magbayad ng sahod ng empleyado. Upang humiling ng kabawasan sa pagbabayad kinakailangan mong magsumite ng Porm I-912, o pasulat na kahilingan para sa pagbabawas sa bayad. Ang $150 na bayad sa CNMI na pananalaping pang-edukasyon ay hindi maaaring bawasin.
Para sa higit na gabay tungkol sa pag-aaplay para sa pagbabawas ng pagbabayad, tingnan ang www.uscis.gov/feewaiver.

Q17. Anong ebidensiya ang dapat ibigay ng employer sa petisyon kabilang ang Porm I-129CW?

A17. Kinakailangan ng employer na kumpletuhin ang porm ng buo, kabilang ang mga pagpapatunay na kinakailangan upang makapagtatag ng karapatan. Kinakailangan ng employer na magsumite ng ebidensiya na anumang mayroon, upang sumuporta sa mga elemento sa pagpapatunay. Halimbawa, upang suportahan ang pagpapatunay na walang mga kwalipikadong manggagawa sa U.S. na mayroon upang punan ang posisyon, ang empleyado ay maaaring magsumite ng ebidensiya na ang bakanteng trabaho ay naipaskil sa pang araw-araw na dyaryo sa nais ng patalastas o sa website ng bakanteng trabaho tulad ng mga pinatatakbo ng Kagawaran ng Paggawa at pribadong opisina sa pagrerekrut ng CNMI.

Q18. Maaari bang pagpetisyon ang employer para sa mga manggagawa kung ang lisensya ng negosyo ng employer ay suspendido o tinanggihan ng pamahalaan ng CNMI o kung ang lisensya ay hindi nabagong muli para sa ilang mga kadahilanan?

A18. Upang makapagpetisyon ng mga manggagawang CW, ang employer ay kinakailangang magnegosyo sa CNMI sa lehitimong pag-uugali sa pagnenegosyo. Nangangahulugan ito na dapat niyang masunod ang mga legal na kinakailangan upang makapagnegosyo sa CNMI. Sa higit pang saklaw, ang employer ay kinakailangang magbigay ng ebidensiya sa pagsunod sa lahat ng dapat na kinakailangang lisensya. Kung ang lisensyang pangnegosyo o pangtrabaho ay sinuspende, tinanggihan o hindi nabagong muli, ang employer ay kinakailangang magsumite ng pagsisiwalat at lubusang paliwanag sa lahat ng mga katotohanan nang pasulat kasama ang kaniyang petisyon. Isasaalang-alang ng USCIS ang impormasyong ito sa iba’t ibang uri ng kaso kung saan ang employer at/o ang banyagang mga mangggawa ay karapat-dapat upang humiling ng klasipikasyong CW. Bilang karagdagan, kapag ang banyagang manggagawa ay kinakailangan ng lisensyang pangtrabaho, ang employer ay kinakailangang magbigay ng ebidensya ng naturang paglilisensiya.

Q19. Maaari ba na ang empleyado na tinutulan ng pamahalaan ng CNMI sa pagbibigay ng trabaho sa mga banyagang manggagawa ay magpetisyon sa mga CW na manggagawa/

A19. Ang paglagay sa employer sa ““barred employer list” ng CNMI ay hindi kwalipikado ang employer sa pagpepetisyon sa mga banyagang manggagawang CW. Gayunpaman, ang palalagay sa talaang ito ay hindi isisiwalat at lubusang ipaliliwanag sa petisyon, para sa wastong pagsasaalang-alang ng USCIS sa karapatan para sa mga nakitang benepisyo.

Q20. May mga kategorya bang pang-okopisyunal na hindi kabilang sa karapat-dapat sa katuyuang CW?

A20. Wala.

Q21. Upang maging karapat-dapat sa katayuang CW, ang manggagawa ay dapat na hindi karapat-dapat sa ibang employment-based na mga kategoryang nonimmigrant sa ilalim ng INA. Nangangahulugan ba ito na ang employer ay dapat mag-aplay para sa ibang mga kategoryang iyon at tanggihan, bago ang pagpepetisyon para sa katayuang CW ng manggagawa?

A21. Hindi. Hindi kinakailangan ng mga employer na ipakita na sila ay hindi tagumpay sa pag-aaplay sa anumang klasipikasyong nonimmigrant para sa manggagawa. Dapat patunayan ng mga empleyado na ang uri ng posisyon ay hindi pansamantala o pana-panahon (dahil maari nilang gamitin ang klasipikasyong H-2B nonimmigrant upang kumuha ng pansamantala o pana-panahong mga manggagawa), at hindi sila maniniwala na ang manggagawa ay kwalipikado para sa anumang klasipikasyon ng manggagawang nonimmigrant. Ang mga empleyadong nabigo sa pag-aaplay sa ibang klasipikasyon ng nonimmigrant para sa manggagawa ay dapat magbigay ng ebidensiya upang sumuporta sa pagpapatunay.

Q22. Ano’ng proseso sa pag-apila kapag ang petisyon ay tinanggihan?

A22. Ang administratibong proseso sa pag-apila para sa Porm I-129CW ay alinsunod sa ibang mga klasipikasyong nonimmigrant. Upang umapila sa pagtanggi sa petisyong CW-1, ang employer na nagpepetison sa CNMI ay kinakailangang mabigay ng Porm I-290B, Babala ng Appeal o Mosyon. Ang nagpepetisyong employer lamang, hindi ang empleyado, ang maaaring umapila sa pangtanggi. Ang aplikasyon sa pagpapalit ng katayuan o pagpapahaba ng katayuan ay hindi maaaring iapila kapag ito ay tinanggihan.

Q23. Maaari ba na ang mga probadong indibidwal ay magpetisyon para sa mga banyagang manggagawa na nagtatrabaho upang magbigay ng pangdomestikong pambahay na hanap-buhay?

A23. Mga kinatawan lamang na nagnenegosyo, na kinilala sa patakaran ng transisyonal na manggagawa ang maaaring magpetisyon sa mga CW na manggagawa. Ang mga pribadong pangangatulong ay karaniwang hindi kinikilala.

[B]MGA TANONG SA MGA MANGGAGAWA [/B]

Q24. Ano ang dapat gawin ng manggagawa sa CNMI upang makakuha ng katayuang CW-1?

A24. Ang employer lamang ang maaaring maghain ng petisyon para sa manggagawa upang makakuha ng katayuang CW-1. Ang indibidwal ay dapat isponsoran ng employer at dapat matugunan ang mga pangunahing kinakailangan upang maging karapat-dapat. Ang indibidwal ay maaaring karapat-dapat sa klasipikasyong CW-1 nonimmigrant kung siya ay:

– Ang mga hindi karapat-dapat para sa ibang nonimmigrant o immigrant na katayuan sa ilalim ng batas ng U.S.;

– Ay makapapasok o mananatili sa CNMI upang magtrabaho sa kategoryang panghanap-buhay na inilaan bilang kinakailangang banyagang manggagawa upang makatustos sa residenteng lakas-paggawa;

– Ay ang makikinabang sa petisyon na inihain ng lehitimong employer na nagnenegosyo sa CNMI;

– Ay hindi gumaganap sa Estados Unidos, maliban sa CNMI;

– Ay legal na gaganap sa CNMI, kung magtatrabaho sa CNMI; at

– Ay katanggap-tanggap sa Estados Unidos o ginawaran ng anumang kinakailangang waiver sa dahilang di-pagtanggap.

Q25. Paano makakukuha ng visa ang hindi karapat-dapat na indibidwal ng CW-1 o CW-2 mula sa labas ng CNMI?

A25. Sa oras na ang I-129CW na inihain sa USCIS ng employer ay naaprobahan, ang karapat-dapat na indibidwal na nag-aaplay mula sa labas ng CNMI ay dapat makipag-ugnayan sa U.S. Department of State upang mag-aplay para sa CW-1 or CW-2 visa base sa inaprobahang petisyon ng employer. Ang klasipikasyong CW-2 ay limitado sa mga kamag-anak ng nagmamay-ari ng katayuang CW-1 (mga asawa at walang asawang mga anak na may taong 18 pababa).

Q26. Maari bang magtrabaho ang indibidwal na may CW visa saan man sa Estados Unidos?

A26. Hindi. Ang indibidwal na may katayuang CW-1 ay makapagtatrabaho lamang sa CNMI sa petisyon ng employer na inihain at inaprobahang petisyon. Ang employer ay dapat maghain ng bagong I-129CW petisyon kung may anumang material na pagbabago sa termino at kondisyon sa pagtatrabaho. Ang katayuang CW ay hindi nagpapahintulot sa indibidwal upang magtrabaho sa anumang estado o teritoryo ng Estados Unidos, kabilang ang karatig teritoryo ng Guam. Ang mga indibidwal na may katayuang CW-2 ay hindi maaaring magtrabaho sa CNMI o sa alinmang bahagi o teritoryo ng Estados Unidos.

Q27. Maaari bang magpalit ng employer ang indibidwal na may katayuang CW-1?

A27. Oo, ngunit ang employer ay dapat maghain ng Porm I-129CW na petisyon sa USCIS. Ang manggagawa ay maaaring magsimulang magtrabaho para sa bagong empleyado sa oras na ang employer ay maghain ng petisyon. Ito ay dapat na walang panlilinlang na Porm I-129CW na petisyon para sa pagbabago ng employer, ang ibig sabihin nito ay ang petisyon ay inihain para sa indibidwal na may katayuang CW-1 sa oras ng pagsusumite, upang maging karapat-dapat sa alok na trabaho kung saan ang indibidwal ay makatutugon sa mga kwalipikasyon. Kapag ang petisyon ay tinanggihan, ang awtorisasyon sa pagtatrabaho ay mahihinto.

Q28. Hanggang kailan balido ay katayuang CW?

A28. Ang katayuang CW ay igagawad para sa isang taon. Ang employer ay maaring humiling ng ekstensiyon ng katayuan sa pamamagitan ng paghahain ng bagong petisyong I-129CW. Ang katayuang CW-2 ng kamag-anak ay mawawalan ng bisa sa parehong araw ng prinsipal na may katayuang CW-1 at maaaring humaba kapag napahaba ang katayuan ng CW-1 ng prinsipal.

Q29. Mawawala ba ang katayuan ng indibidwal na may katayuang CW kapag ito ay natanggal sa trabaho?

A29. Oo, ang banyagang manggagawa na may CW nonimmigrant na katayuan ay mawawala ang katayuan kapag siya ay lumabag sa anumang termino o kondisyon na kabilang sa katayuang CW. Kapag ang paglabag ay nagdulot lamang sa pagkakatanggal niya sa trabaho, gayunpaman, ang manggagawa ay hindi maituturing na nilabag ang kanyang katayuan, kung sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng pangtanggal, siya ay kumuha ng bagong trabaho at ang employer ay naghain ng petisyong para sa kanya; Ngunit ito’y kapag ang banyagang manggagawa lamang ang lumabag sa anumang termino o kondisyon ng katayuang CW.

Kaya, kapag nakakita ng bagong trabaho, ang bagong employer ay dapat maghain ng petisyon para sa banyagang manggagawa bago matapos ang 30 araw na palugit upang ang banyagang manggagawa ay manatiling legal na gumaganap sa CNMI. Para sa kasagutan sa Tanong 27, ang banyagang manggagawa ay maaari lamang magsimulang magtrabaho sa bagong empleyado pagkatapos na ang employer ay maghain ng petisyon. Kapag ang bagong petisyon ay hindi naisumite sa loob ng 30 araw, ang banyagang manggagawa ay dapat umalis sa CNMI at ang manggagawa ay ituturing na walang bisa ang katayuan sa petsa ng pagtanggal sa CW-1 na trabaho. Anumang petisyon ang ihain para sa manggagawa pagkatapos ng 30 araw na palugit ay nangangailangan ng aprobadong petisyon at ang CW visa ay ibinigay ng Konsulado sa labas ng CNMI bago makabalik ang banyagang manggagawa at magsimula ng bagong trabaho sa CNMI.

Q30. Ako ay banyagang manggagawa at nagtatrabaho at namumuhay ng legal sa CNMI, at ang aking employer ay handang mag-isponsor sa akin para sa CW visa. Ano ang mga hakbang na kailangan ko upang makakuha ng katayuang CW sa CNMI?

A30. Ang mga sumusunod na hakbang ay kailangang gawin sa ganitong sitwasyon.

Hakbang 1: Ang iyong employer ay kinakailangang magsumite ng sumusunod na mga porm upang isponsoran ka:

– Ang Porm na I-129CW;

– Ang bayad sa aplikasyon na $325;

– Ang ipinatutupad na bayad sa edukasyon $150; at

– mga ebidensiyang susuporta na nagpapatibay na ang mga impormasyon na ibinigay tungkol sa iyo, ang iyong employer at ang posisyon sa trabaho ay wasto at natugunan ang dapat na kinakailangan.

Sinuman sa iyo o sa iyong employer ay dapat magbigay ng bayad sa biometriks na $85 kasama ang petisyon (maliban kung ikaw ay humihiling ng konsular na pagpoproseso). Matapos magsumite ang employer ng Porm I-129CW, ang USCIS ay makikipag-ugnayan sa iyo tungkol sa kung kinakailangan mong magpakita upang ibigay ang iyong fingerprints at larawan sa USCIS Application Support Center sa TSL Plaza sa Saipan.

Hakbang 2: Kapag ang iyong Porm I-129CW ay naaprobahan, ang USCIS ay magpapadala ng pahintulot na babala sa iyong employer. Tiyakin na bibigyan ka ng iyong employer ng kopya ng pahintulot na babala. Ang pahintulot na babala at nakadikit na Porm I-94 ay magsasabi na ang iyong katayuan sa CNMI ay nailipat sa CW-1. Ang pahintulot na babala ay magsasabi sa iyo kung kailangan mong pumunta sa U.S. Embassy o Konsulado upang ilakad and iyong CW-1 visa.

Q31. Paano makapag-aaplay ang aking mga kamag-anak upang makatanggap ng katayung CW?

A.31. Bilang pagbabago ng aplikasyon ng iyong employer para makakuha ng katayuang CW-1, ang iyong mga kamag-anak na legal na pumunta sa CNMI ay maaaring mag-aplay ng katayuang CW-2. Ang mga aplikanteng para sa CW-2 ay dapat magsumite ng:

– Bayad sa aplikasyon na $290;

– $85 na kabayaran sa serbisyong biometriks kung kinakailangan;

– Kopya ng iyong pahintulot na babala at Porm I-94 na nagdudumento sa pagtanggap sa CNMI sa klasipikasyong CW-1 (kung mayroon); at

– Aplikasyon upang Baguhin o Pahabain ang Katayuan, Porm I-539.

Ang mga kamag-anak ay hindi na kinakailangang magsumite ng Porm I-539, depende kung paano ang pangunahing katayuang CW-1 ay prinoseso.

Kung
Ikaw ay hinihiling na magproseso sa konsular ng iyong katayuan sa CW-1 sa Konsulada ng U.S. o Embahada sa labas ng bansa…

gayon
Ang iyong mga kamag-anak ay maaari din na magproseso sa konsular ng kanilang katayuang CW-2. Hindi na kailangan ng mga kamag-anak na magsumite ng Porm I-539 kung sila ay naghain ng katayuang CW sa labas ng CNMI.

Kung
Ikaw ay nasa CNMI at ang iyong employer ay naghain ng Porm I-129CW na humihiling ng iyong katayuang CW-1 para saiyo….

gayon
Ang iyong mga kamag-anak ay maaaring magsumite ng Porm I-539 sa pagkakataong iyon o anumang oras habang ang I-129CW ay nakabinbin. Ang I-539 dapat kasama ng karagdagang bayad sa biometriks kung ang kamag-anak ay 4 na taon ang edad o 79 o mas matanda. Gayunpaman, ang Porm I-539 ng iyong mga kamag-anak ay hindi maaprobahan kung ang iyong aplikasyon sa magkuha ng katayuan ay tinanggihan.

Kapag ang Porm Form I-539 ay naaprobahan, ang USCIS ay magpapadala ng pahintulot na babala sa iyong mga kamag-anak bilang patunay sa naaprobahang Porm I-539 kasama ang I-94 bilang patunay sa katayuang CW-2.

Q32. Ang aking mga kamag-anak at ako ay legal na mamalagi sa CNMI hanggang sa Nob. 27,2011. Ang employer ay handang magpetisyon para sa katayuang CW-1 ko. Dapat bang maghain ng petisyon ang employer bago mag-Nob.27, 2011? Kung gayon, ang mga kamag-anak ko ba ay dapat magsumite ng aplikasyon para sa katayuang CW-2 bago mag-Nob. 27,2011?

A32. Upang ikaw at ang iyong mga kamag-anak sa CNMI ay maging karapat-dapat para sa katayuang CW, dapat kayong legal na gumanap sa CNMI sa petsa ng aplikasyon para sa inihaing katayuan sa CW. Para sa iyo (ang prinsipal na manggagawa), iyon ang pagkakataon na ang iyong empoyer ay maghain ng I-129CW na petisyon upang hilingin na ikaw ay gawaran ng katayuang CW-1. Para sa iyong kamag-anak,
ito ang pagkakataon upang sila ay magsumite ng I-539 aplikasyon para makakuha ng katayuang CW-2. Kapag ikaw o ang iyong mga kamag-anak ay may umbrella permit o iba pang awtorisasyon sa pagtatrabaho na mawawalan ng bisa sa Nob. 27,2011, ang mga aplikasyong ito ay DAPAT isumite sa o bago mag-Nob. 27,2011, upang maging karapat-dapat gawaran ng katayuang CW sa CNMI. Ituturing ng USCIS pagtatak ng petisyon sa Nob. 28,2011, na inihain noong Nob. 27, 2011(na ipinaliwanag bilang sagot sa Tanong 11). Ang mga aplikasyon para sa kamag-anak ay hindi na dapat isumite bago igawad ang aplikasyon sa CW-1 ng prinsipal. Ngunit dapat tandaan ng mga kamag-anak na maigawad man o hindi ang aplikasyong CW-1, ang aplikasyon para sa kamag-anak ay dapat punan habang ang kamag-anak ay legal na gumaganap sa CNMI. Bukod dito, ang kamag-anak ay makakukuha lamang ng katayuang CW-2 sa pamamagitan ng aplikasyon ng visa sa Konsulada ng U.S. sa labas ng bansa.

Q33. Sinong mga kamag-anak ang karapat-dapat para sa binagong katayuan na CW-2?

A33. Mga asawa at mga batang anak(mga batang may edad 18 pababa) ay karapat-dapat para sa binagong katayuan na CW-2. Ang mga bata na higit 18 taon ang edad, at mga magulang o kamag-anak, ay hindi karapat-dapat sa katayuang CW-2.

Q34. Ako ay banyagang manggagawa ay nakatira sa labas ng bansa at ang employer ay nasa CNMI ay handang mag-isponsor sa akin. Ano ang mga hakbang na kailangan ko upang makakuha ng CW visa?

A34. Sa sitwasyong ito, ang mga sumusunod na mga hakbang ay dapat gawin:

Hakbang 1: Para ikaw ay makakuha ng CW visa, ang mag-iisponsor na employer ay dapat munang magsumite ng mga sumusunod na dokumento:

– A Form I-129CW;

– Ang bayad sa aplikasyon na $325;

– Ang ipinatutupad na bayad sa edukasyon $150; at

– mga suportang dokumento na nagpapatunay na ang impormasyong ibinigay tungkol sa iyo, sa iyong employer at posisyon sa trabaho ay wasto at natutugunan ang mga dapat na kinakailangan.

Hakbang 2: Kapag naaprobahan ang petisyon, ang USCIS ay magpapadala ng pahintulot na babala sa iyong employer. Ang iyong employer ay dapat magpadala sa iyo ng orihinal na kopya ng pahintulot na babala sa tirahan mo sa ibang bansa.

Pagkatapos mong matanggap ang pahintulot na babala, kinakailangan mong magtakda ng nonimmigrant visa na panayam sa Konsulada O Embahada ng U.S. na malapit sa iyo. Ang iyong mga kamag-anak ay maaari ding mag-aplay para sa mga visa na CW-2 sa Karagawan ng Estado sa U.S. at hindi na kinakailangang magsumite ng Porm I-129CW o Porm I-539. Ang Kagawaran ng Estado ay may magkabukod na aplikasyon at kinakailangang kabayaran para sa aplikasyon ng visa.

Ikaw at ang iyong mga kamag-anak ay dapat walang CW-1 o CW-2 na katayuan hanggang ikaw ay makakuha ng CW visa mula sa Kagawaran ng Estado sa U.S. at tanggapin sa CNMI. Ang pahintulot sa Porm I-129CW sa konsular na pagproseso ay magpapahintulot sa klasipikasyon lamang at hindi naggagawad sa iyo ng karagdagang katayuan sa CNMI.

Q35. Kung ako ay nagtatrabaho sa aking employer na nag-isponsor sa akin ng katayuang CW-1 sa CNMI, at ang aking umbrella permit ay mawawalan na bisa sa Nob. 27, 2011, maaari ba akong magpatuloy sa pagtatrabaho hanggang madesisyunan ang petisyon ko?

A35. Oo. Kapag ikaw ay legal na may trabaho sa CNMi sa ilalim ng awtorisadong gawad na trabaho ng CNMI na mawawalan ng bisa sa Nob.27,2011, at ang iyong employer ay naghain ng petisyong CW para sa iyo bago o sa Nob. 28,2011, ikaw ay may pahintulot na ipagpatuloy ang iyong pagtatrabaho hanggang ang USCIS ay makapagpasya sa petisyon.

Q36. Ano ang dapat isumite sa Kagawaran ng Estado para sa CW na nonimmigrant visa?

A36. Hinihiling ng Kagawaran ng Estado na ang lahat ng mga aplikante sa nonimmigrant visa ay kumpletuhin ang Porm DS-160, Ang aplikasyon para sa Nonimmigrant Visa kalakip ang kaukulang bayad. Inaanyayahan ng Kagawaran ng Estado ang mga pamilya na magsumite ng sabay-sabay, kahit na ang mga miyembro ay maglalayag ng makakabukod.

Q37. Paano ako makakukuha ng apoyntment para sa panayam sa visa.

A37. Ang bawat Konsulada ng U.S. ay may kaniyang proseso sa paggawa ng apoyntment sa visa. Depende sa Konsulada, maaari kang tumawag o humingi ng apoyntment online. Lahat ng bayarin ay dapat bayaran bago humingi ng apoyntment.

Ang website ng Kagawaran ng Estado, www.usembassy.gov, ay mas maraming impormasyon tungkol sa mga panayam sa nonimmigrant visa. Ang website ay may impormasyon din tungkol sa inaasahang oras ng paghihintay para sa mga panayam sa nonimmigrant visa at bawat Konsulada ng U.S. sa ibayong dagat. Dapat kang magdala ng pahintulot na babala sa petisyon at Porm DS-160 sa apoyntment.

Q38. Paano kung ako ay nagtatrabaho sa higit pa sa isang employer?

A38. Kung ikaw ay nagtatrabaho sa higit pa sa isang employer, bawat employer ay dapat magsumite ng magkabukod na Porm ng I-129CW kasama ang USCIS.

Q39. Makapagtatrabaho ba ang makikinabang na may katayuang CW-2?

A39. Hindi. Ang katayuang CW-2 ay hindi nagpapahintulot sa pagtatrabaho.

Q40. Ako at ang aking asawa ay parehong nagtatrabaho. Kung ang aking asawa ay hindi makapagtatrabaho bilang CW-2 nonimmigrant, paano siya makapagpapatuloy sa pagtatrabaho kapag natanggap ko ang katayuang CW-1?

A40. Ang iyong mga naturang employer ay maaaring magpetisyon sa bawat-isa sa inyo upang makakuha ng katayuang CW-1.

Q41. Maaari ba na ang isang indibidwal na may CW visa ay mag-aplay para sa ibang klasipikasyon ng visa?

A41. Oo. Sa panahon ng transisyon, ang mga transisyunal na manggagawa at ang kanilang mga kamag-anak ay maaaring mag-aplay para sa iba pang INA nonimmigrant o immigrant visa na klasipikasyon.

Q42. Kinakailangan ba na mag-aplay ng CW visa kapag ang pansamantalang manggagawa ay may permisong CNMI?

A42. Oo. Ang employer ay dapat mag-aplay ng CW visa kapag ang employer ay nais na ipagpatuloy ang pagbibigay ng trabaho sa manggagawa pagkatapos ng pagkawala ng bisa ng permiso ng CNMI ng manggagawa, maliban kung ang ibang katuyuan sa awtorisadong trabaho ay makukuha sa ilalim ng pederal na imigrasyong batas. Ang mga manggagawa ay maaaring manatili sa CNMI hanggang ang kanilang permiso at mawalan ng bisa, o hanggang Nob. 27, 2011 alinmang petsa ang mauna. Employer lamang ang maaaring magpasya kung pepetisyunin ang manggagawa upang makakuha ng klasipikasyong CW o katayuan.

Kapag ang manggagawa ay may umbrella permit na may bisa and kailangan na maglakbay palabas ng CNMI, kailangan niya ng U.S. visa upang bumalik. Kapag ang employer ay nais makakuha ng katayuang CW sa CNMI para sa empleyado na may umbrella permit, ang petisyon ay dapat maisumite sa petsa o bago mag-Nob. 28,2011. Kung hindi, ang manggagawa ay dapat umalis sa CNMI at kumuha ng CW visa sa Konsulada ng U.S. o Embahada sa labas ng bansa upang matanggap sa CNMI sa katayuang CW.

Q43. Ano ang mangyayari sa mga manggagawang CW-1 transisyonal at sa kanilang mga kamag-anak pagkatapos ng panahon ng transisyon?

A43. Pagkatapos ng panahon ng transisyon, Dis. 31, 2014, ang klasipikasyong CW ay hihinto (maliban kung ang programa ng transisyonal na manggagawa ay pahabain ng Kalihim ng Paggawa sa U.S.). Ang mga transisyonal na manggagawa na may katayuang CW ay kinakailangang kumuha ng katayuang nonimmigrant o immigrant sa ilalim ng INA bago ang petsang ito kung nais nilang manatili ng legal sa CNMI.

MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA PAGLALAKBAY

Q44. Bilang nagmamay-ari ng CW-1 o CW-2 na katayuan, ano ang dapat kong gawin upang makapaglakbay?

A44. Ang mga may katayuang CW ay dapat kumuha ng CW-1 o CW-2 na visa mula sa Kagawaran ng Estado sa U.S. sa labas ng bansa kung nais nila na maglakbay palabas ng bansa at pumasok muli sa CNMI. Ang Kagawaran ng Estado ay may magkabukod na aplikasyon at kinakailangang kabayaran para sa aplikasyon ng visa. Para sa higit pang impormasyon sa paglalakbay sa labas ng CNMI, maaaring tingnan ang Department of State website.

Q45. Maaari bang maglakbay ang mga manggagawa na may paunang parol upang makapaglakbay sa ibang bansa at makapagtrabaho na may awtorisadong umbrella permit sa oras ng kanilang pagbabalik sa CNMI?

A45. Oo. Ang mga manggagawa na may balidong umbrella permit at balidong dokumento sa paglalakbay ay maaaring magpatuloy sa paglalakbay at bumalik ng legal sa trabaho sa CNMI kung sila ay nag-aplay at ginawaran ng paunang parol.

Ginamit ng USCIS ang paunang parol at parol sa pagtatalaga bilang pansamantalang sukatan dahil ang kasipikasyong walang visa sa ilalim ng INA ay pinapayagan ang lehitimong mga manggagawa na ipagpatuloy ang paglalakbay at bumalik sa CNMI matapos ang pandaigdig na paglalakbay o sa loob ng Estados Unidos nang walang visa. Ang paunang parol ay hindi normal na itinuturing para sa mga indibidwal nakatanggap ng katayuang CW sa CNMI, at makatatanggap ng visa sa labas ng bansa para sa kanilang pagbabalik sa CNMI.

Q46. Makababalik ba ang mga indibidwal na may katayuang CW mula sa paglalakbay sa labas ng CNMI?

A46. Ang CW-1 o CW-2 na nonimmigrant ay maaaring umalis sa CNMI, ngunit siya ay dapat may tamang visa upang makapasok muli sa CNMI. Ang manggagawang CW ay dapat mag-aplay para sa CW visa sa Embahada or Konsulada ng U.S. sa labas ng bansa bago maghanap ng pagtanggap muli sa CNMI. Kapag ang CW-1 o CW-2 na katayuan ay natanggap habang nasa CNMI, ang nonimmigrant ay bibigyan ng Porm I-94 Talaan ng Paglabas-Pagpasok, bilang dokumentasyon ng katayuang CW.

Q47. Ang katayuang CW ba ay balido sa kahit anong bahagi ng Estados Unidos maliban sa CNMI?

A.47. Hindi, ang katayuang CW ay limitado sa CNMI. Ang mga indibidwal na may CW status na naglalakbay o may balak maglakbay, nang walang natatanggap na pahintulot, sa anumang bahagi ng Estados Unidos kabilang ang Guam ay lumabag sa kanilang katayuang CW at dapat pauwiin mula sa Estados Unidos patungo sa kanilang bansang pinanggalingan. Gayunpaman, ang huling patakaran ay nagbibiday ng isang mahalagang eksepsiyon; Maaaring tingnan ang Tanong 48 para sa higit pang paglilinaw.

Q48. Maaari ba na ang mga indibidwal na may katayuang CW visa, o may CW visa, ay dumaan sa paliparan ng Guam?

A48. Ang mga indibwal na naninirahan sa Pilipinas ay maaaring maglakbay sa pagitan ng CNI at ng Pilipinas sa pamamagitan ng paliparan ng Guam sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon:

– Papalabas mula sa CNMI patungo sa Pilipinas sa pamamagitan ng Guam: Ang indibidwal ay nasa balidong katayuang CW at naglalakbay sa direktang interinaryo kasama ang stopover ng paglipad o koneksiyon sa Guam nang hindi hihigit sa walong oras, at ang indibidwal ay mananatili sa paliparan ng Guam habang naglalakbay.

– Paglabas mula sa Pilipinas patungong CNMi sa pamamagitan ng Guam Ang indibidwal ay may balidong CW visa ay naglalakbay sa direktang itirenaryo masama ang stopover ng paglipad o koneksiyon sa Guam nang hindi hihigit sa walong oras, at mananatili sa paliparan ng Guam habang naglalakbay.

Ang ibang mga indibidwal sa katayuang CW o may CW visa ay hindi makapaglalakbay sa o mula sa banyagang destinasyon na may stopover o koneksyon sa pamamagitan ng Guam.

[I]Source: USCIS[/I]

Disclaimer: Comments are moderated. They will not appear immediately or even on the same day. Comments should be related to the topic. Off-topic comments would be deleted. Profanities are not allowed. Comments that are potentially libelous, inflammatory, or slanderous would be deleted.