Magparehistro para sa Balik Manggagawa

By
|
Posted on Mar 03 2006
Share

Ang worker-on-leave o ang Balik Manggagawa ay isang programa ng Philippine Overseas Employment Agency upang malaman ang bilang ng mga umaalis at bumabalik na mga Overseas Filipino Workers sa Pilipinas.

Ito ay ayon sa Part III, Rule III, Sec.5 ng 2002 POEA Rules and Regulation Governing the Recruitment and Employment of Landbased Overseas Workers on the Registration of Worker-on-leave.

Ang isang Balik Manggagawa, halaw sa isang lathalaing ipinamamahagi ng Philippine Overseas Labor Office sa kanilang tanggapan sa Nauru Building sa Susupe, ay isang Overseas Filipino Worker na bumalik ng Pilipinas para magbakasyon at muling babalik sa employer na kaniyang pinaglilingkuran.

Ang bawat OFW ay inaanyayahang magrehistro sa programang ito. Para makarehistro sa nasabing programa, ang isang OFW ay kinakailangang mag magsumite ng mga dokumento sa administrasyon o sa mga itinalagang centers o units sa bansang pinagtratrabahuan para marehistro at mabigyan ng exit clearance.

Ang pasaporte, re-rentry visa, work permit, o kahit na anong dokumento na katumbas nito ay kinakailangan. Ang pagpaparehistro ay may kaukulang bayad.

Kung ang Worker-on-leave ay may valid na Overseas Wokers Welfare Administration membership at Medicare coverage, Php100 lamang ang babayaran bilang POEA processing fee.

Para sa karagdagang kaalaman mangyaring tumungo lamang sa malapit na opisina ng Konsulado ng Pilipinas.

Disclaimer: Comments are moderated. They will not appear immediately or even on the same day. Comments should be related to the topic. Off-topic comments would be deleted. Profanities are not allowed. Comments that are potentially libelous, inflammatory, or slanderous would be deleted.