The dividers

By
|
Posted on Apr 30 2008
Share

Minabuti kong gamitin ang ating sariling wika ng sa gayon ay hindi na kumalat at mabasa pa ng ibang lahi ang mga nakakahiyang nangyayari sa atin. Ako po ay isang matahimik na manggagawa sa CNMI na sumusuporta at nakikisimpatiya sa mga taong tumatayo para ipaglaban ang kapakanan ng mga manggagawa. Hindi po ako miyembro ng alin mang organisasyon subalit naniniwala akong ang pagkakaisa ay isang malakas na sandata para maisulong ang mga magagandang layunin, katulad ng nangyari ng isinagawa natin ang makasaysayang Unity March na lubos na sinuportahan ng lahat. Sana’y ipagpatuloy na lamang natin ito at hindi na kayo nagtatag na naman ng bagong organisasyon na tinawag ninyong Coalition of United Guest Workers. Alam ninyo Bb. Irene Tantiado, Gg. Jerry Custodio at iba pang nasa likod ng samahang ito na kayo po ang gumagawa ng dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay at pagkakawatak-watak ng mga manggagawa? Alam ninyo rin ba na nakakahiya ito? Lubos ba ninyong nauunawaan na sa ginawa ninyong ito ay nakita na ang tunay ninyong mga kulay? Ang kailangan ninyo po ba ay credit at popularidad? Masakit man pong aminin sa parte ninyo ay hindi po kayo kinikikilala ng mga matatahimik na manggagawa dito sa CNMI dahil kayo ang nagpapagulo. Huwag ninyong sirain ang magandang imahe ng Unity March. Sinabi mo Bb. Irene Tantiado sa nauna mong sulat sa letter to the editor that you acknowledge and appreciate the huge contributions of our fellow guest workers who have been involved much earlier on. Bakit iba ang sinasabi ninyo sa inyong ginagawa? Sa ganang amin po lamang ipagpatuloy natin ang magandang imahen ng Unity, isa puso natin ito, sama-sama nating suportahan ang kinikilala at may napatunayan ng naunang grupo na nakikipaglaban sa usaping ito. Pakiusap lamang po, huwag na nating hayaang maging magulo pa ang maayos na pagkakaisa. Prinsipyo at respeto lamang po.

[B]Sherilyn Francisco[/B] [I]Susupe, Saipan[/I]

Disclaimer: Comments are moderated. They will not appear immediately or even on the same day. Comments should be related to the topic. Off-topic comments would be deleted. Profanities are not allowed. Comments that are potentially libelous, inflammatory, or slanderous would be deleted.